Monday, May 9, 2016

How to Get Rich Quick (5 Ways)

     Minsan natanong mo rin ba ito sa sarili mo "Paano nga ba ako yayaman"?
Well, Hindi ka nag iisa sobrang daming tao ang gustong yumaman at nag ha- hanap din sila ng way kung paano yumaman. 

     Ngayon I-rereveal ko na sainyo ang limang paraan kung paano yumaman.

1.Manahin mo- Sobrang daling yumaman pag mamanahin mo lang :D ha ha ha.
kung mayaman ang magulang mo? pag namatay sila (wag naman sana) instant yaman ka na. Eh paano kung walang mamanahin paano na yan? Try mo yung kasunod.

2.Pakasalan mo- Pag pipili ka nga naman ng papakasalan yung mayaman na! ahaha :) instant yun, pagka-kasal ninyo mayaman ka nakaagad. 

3.Panaluhin mo- Gaano kalaki ang pwede mong makuha sa lotto pag nanalo ka, Milyon-milyon yun, Sobrang laki!. Pero bago ka tumaya sa lotto bigyan kita ng kaunting Trivia.

     Alam ninyo ba na mas mataas pa ang chance na mabangga ka ng kotse, airplane accident, at tamaan ng kidlat kesa sa pagkapanalo sa lotto? Try to imagine nalang gaano karaming tao ang tumataya sa lotto? gaano ka kasigurado na mananalo ka sa lotto?

4.Nakawin mo- Magnakaw ka sa banko at milyon-milyon ang makukuha mo, kung kaya mo itaya ang pangalan at buhay mo :)

and lastly number 5...

5. Gawin mo-

     Now let's get serious, Ito ang pinakang madaling way para yumaman dahil ito ang Tama at Dapat, kaya lang naman natin naiisip na mahirap yumaman sa ganitong paraan ay dahil sa dalawang bagay. Una, dahil sa mga instant-yaman like lotto, Gusto lagi lahat madali. Ikalawa, ay dahil hindi natin sinusubukan.

     Marami saatin ang gustong yumaman pero iilan lang ang sumusubok, sa tingin ninyo bakit? Dahil mahirap? Dahil hindi mo pa ito nasusubukan sa buong buhay mo? actually tama ka mahirap nga ito, pero wala namang madali sa mundo eh.

    Kung gusto mo talagang yumaman, I-acquire mo lang itong tatlo:

1.Disiplina

2.Determinasyon

3.Decisiveness

    Kung inapply  mo ang tatlong ito sa sarili mo. Pangako kapatid madali mo na masasagot ang tanong na "Paano ako yayaman?".

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kung marami kang natutunan, Don't just keep it for yourself. I-share mo din sa iba and kung gusto mo pang makakuha ng value katulad nito, basahin mo lang ang mga post ko dito sa Blog ko.


Your Travel Buddy to Success,
Charles Alcantara

No comments:

Post a Comment