
Here's a warm-up question and I want you to answer this question.Ano ang isang bagay na confident kang sabihin? :D baka ilan sainyo ang sasabihin ay "Maganda ako" or "Gwapo ako", Sige lang kung yan ang trip ninyo haha :D
Pero kung ako ang tatanungin mo niyan, Confident akong sabihin na Christian ako. "I'm a Believer and a Follower of Christ Jesus". I may not be in this position kung hindi dahil sa kanya :) kaya confident ako na sabihin yun.
Here's another question: Mabuti man or masama yung ginawa mo, Ano ang naramdaman mo pag sinabi mo ang totoo? Magaan sa pakiramdam, Freedom, Peace of mind, Pakiramdam mo na you're a good person (Coz' you really are).
The Bible says "And you will know the truth and the truth will set you free."
-John 8:32. Kaya mo yun nararamdaman dahil yun ang katotohanan.
Mas magaan sa pakiramdam pag ginawa mo kung ano yung Tama rather than sa kung ano ang Mabuti.
I want to talk about this topic and hopefully makatulong sainyo dahil sa panahon ngayon ang hirap maging confident, ang hirap gawin kung ano yung gusto mong gawin dahil sa mga "Limitations" na na-input saatin noong bata pa tayo up to now.
You might be asking "What am I talking about?" Naalala mo pa ba noong bata pa tayo, ang dami nating pangarap sa buhay. Marami saatin noong bata pa tayo ay sinasabi natin na "Gusto ko maging pulis", "Gusto ko maging scientist", "Gusto ko maging doctor, Kasi gusto kong magpagaling sa mga mahihirap na hindi kaya magpagamot", "Gusto ko yumaman, kasi ayaw ko makita si Mommy/Daddy na nahihirapan sa pera". (Mind-Blown O_O)
Noong bata tayo we have passion, determination, confidence na sabihin yun pero thoughout the years ano nangyayari? "Nawawala". as we get older nalalaman na natin ang katotohanan ng buhay or sa madaling salita yung "Reality".
Have you ever encounter a person na nag sabi sayo na "Hindi mo yan kaya",
"Sus, Ikaw?! Magiging Successful?! Eh tinginan mo nga yung sarili mo.Tss, Imposible", "Utoy/Ineng, Gumising ka na sa katotohanan, Imposible yan mangyari saiyo ni-Hindi ka nga matalino".
Sobrang dami na natin na-encounter na ganong tao na nag sasabi na hindi natin kaya. Well, as a result... nag set yun ng limitations saatin, Narerealize na natin na "Ah!, Tama nga siya" or "Siguro tama siya, Baka hanggang dito nalang ako". Mga Kapatid, Paringgan ninyo ako at Isaksak mo to sa utak mo! Hindi yun totoo! yung mga sinasabi sayo na hindi mo kaya? Bulaan yung mga yun wag kang maniwala sa mga sinasabi nila, Dahil lahat ay kaya mong gawin. Kung ano ang gusto mong maachieve ay kaya mong ma-achieve. You choose who you want to be,You have the power to be who you want to be and besides, Buhay mo naman yan... hindi naman sakanila. So anong dahilan para paringgan mo kung ano yung mga sinasabi nila? Wala! Stay out sa mga negative na tao and strive for your dreams.
Pero here's a reminder for you. Hindi ibig sabihin na lalayo ka sa mga tao ay lalayo ka na din sa mga positive na tao, sure naman ako na may mga tao na nag sabi sayo na "Kaya mo yan" or "Sige tuloy mo lang yan, Pag-laban mo pangarap mo"
Well isa na ako dun :) kaya ko ginawa 'tong blog na ito ay para buhayin muli ang pangarap ng mga pilipino. To encourage people, To empower them, Iparealize na Posible and lahat ng yun ay ginagawa ko despite sa young age ko and alam ko na maraming mga tao ang babalewalain ang mga sinasabi dahil nga "Bata" ako. Well, I don't care and I don't bother them kasi hindi naman para sakanila ito para sainyo ito :D and besides na-iintindihan ko naman sila "Normal" na para saakin yun.
Sa lahat ng nakabasa ng Blog post na ito. I want you to value this message and don't just keep this message for yourself, Share it.
Alam ko na may mga kaibigan, kakilala, mahal sa buhay ka na gusto mong tulungan, Share the word. turuan mo, I-empower mo, Speak greatness to them :) Gaano kasarap sa pakiramdam ang matulungan ang isang tao na buhayin muli ang pangarap nila. Well,It's PRICELESS.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~I hope marami kang napulot na aral dito sa Blog post na ginawa ko at wag kang mahiya na i-share ito sa facebook. Hindi natin alam kung sino ang nangangailangan ng impormasyon na 'to, Alam naman natin na marami tao jan ang nahihirapan and I'm sure na makakatulong to sakanila :)
Mga Kapatid, Always Remember that....
"You are Born for Greatness"
Your Travel Buddy to Success,
Charles Alcantara
No comments:
Post a Comment