Tuesday, April 26, 2016

Kurot Principle


This is Charles Alcantara and i'm going to teach you how to Effectively save money using this Principle! "The Kurot Principle"

     To better understand this principle magbibigay ako ng 3 examples,may isang tao na bibili ng cellphone worth 1,000php. Nagkataon na meron siyang 100,000php na savings.Sa tingin mo pwede ba siya bumili ng cellphone? Oo naman! kasi yung isang libo sa kanya ay "Kurot lang" sa savings niya.
     Yung pangalawang tao naman bibili din ng cellphone.Ang bibilhin niya is worth 1,000php din. Mayroon siyang savings na 1,000php and bumili siya ng phone.Ano tawag dun? "Dakot na 'yon!".Dinakot na niya lahat ng savings niya wala nang natira sa kanya.
     Ang pangatlong tao,Balak din niya bumili ng cellphone,pero wala siyang savings,tapos bumili siya ng cellphone.Paano siya nakabili? "Inutang" niya 'yon.
     Satingin mo anong prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? Kurot? Dakot? o Utang? marami saatin na tetempt bumili kahit alam naman natin na kulang ang pera natin ang masaklap pa sa kagustuhan natin bumili ng isang bagay dahil lang naka-"Sale" eh gagawa tayo ng paraan.

    Try to imagine, sa kada-piso mo na masasave may possibility na pwede yun lumaki ng hanggang 100php, so pag may 5,000php ka that's 500,000 php pero alam ko hindi yun ganun ka dali pero kung iisipin mo possible siya dahil hindi naman talaga pera ang gumagawa ng pera. Determinasyon,Smart-work,Right opportunities,Consistency ang gumagawa ng pera.

    Kung hindi mo kayang pahalagahan ang piso paano mo ma-hahandle ang isang milyon? baka lumingon ka lang ng saglit ubos na yung pera :D, Tunay tong sinasabi ko.Pansinin mo yung mga nanalo sa lotto,Milyon ang napapunta sakanila pero bakit pagkalipas ng 1 taon ubos na agad?.May nabalitaan nga ako ang sabi nung nanalo sa lotto sana di nalang siya nanalo sa lotto kasi nag kabaon baon na siya sa utang,Sa tingin mo bakit nangyari yun?

    Hindi rules ang tinuturo ko sayo,pwede rin siyang guide sa mga willing iapply ang principle na 'to sa buhay nila,so hindi kita pinipilit.Pero try to imagine na you're living your life ng walang problema sa pera,Nakakapag travel kayo ng family mo sa buong mundo,Natutustusan ninyo na ang mga pangangailangan ninyo,Makakatulong ka na sa mga mahal mo sa buhay.Sobrang daming opportunities pag may financial freedom ka "Life doesn't begin at 40,Life begins Now!" make a change,step-out and surround your self with good financialy educated people.

   What I'm trying to say is save for the future and don't buy things that you don't need at the moment.Pwede ka naman talaga bumili ng mga mamahalin or mga bagay na mag-papasaya sayo pero wag muna ngayon "Pay now,Play later" ika nga.Pag sinunod mo ang "Kurot Principle" and pinapahalagahan mo na ang kada-piso mo na natatanggap,Kapatid dadating ang araw na yayaman ka :)
I hope marami kang natutunan ngayon,Share this post sa mga kaibigan at kakilala mo na nangangailangan ng ganitong impormation.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I challenge you to Invest in your mind and Take actions! Bring out your ability to produce wealth and be who you want to "Be"

Also remember that...

           "You are Born for
                         Greatness"





Facebook Page:(Click Here)
Instagram:
(Click Here)
Twitter:
(Click Here)

No comments:

Post a Comment