Tuesday, April 26, 2016

Piso 'Yan Principle

I'm excited about this topic kasi sobrang ganda and effective ng Principle na to para malaman mo kung ano ang halaga ng "Piso" mo and kung bakit importante na malaman mo ang prinsipyo na 'to.

Piso 'yan Principle-
     Imagine this,nag lalakad ka at nakakita ka ng piso sa sahig,ano ang gagawin mo? Dadamputin mo? Bakit? eh madumi na yun ah. Pati may halaga pa ba ng piso ngayon? Aber,Ano mabibili mo sa piso? Ano? Kendi?

     Kapatid,aminin man natin o hindi."Ang maduming piso,pinupulot natin at ang malinis na piso, tinatapon natin" anong klaseng piso? naranasan mo rin ba na may dumaan sa harapan mo na "Street Food Cart" at alam mo naman na busog ka pa at hindi mo naman kaylangan bumili,pero bumili ka parin.

     Ito isa pang example,mahilig ka rin ba mag shopping? kung mahilig ka mag shopping makakarelate ka dito.Naranasan mo rin ba na pumunta ka lang ng mall para pumasyal pero may nakita kang pulang billboard/Card Board na may naka sulat na capital S-A-L-E tapos may katabing 20-70% off? ano naramdaman mo nung nakita mo yun? "Wow,Sale matingnan nga..." tapos pumunta ka at nakakita ng magandang damit pagkatingin mo sa price tag"Before P800,Now P300!" tapos binili mo -_-

     Oo,naka-sale nga pero kailangan mo ba talaga yung damit? yung totoo? kaylangan mo ba talaga or dahil lang sale kaya mo binili :D It's ok to confess sometimes,kasi aminado naman ako minsan tinatamaan din ako ng "Compulsive Buying" Yung dahil lang sale feeling mo kulang ang mundo mo pag hindi mo yun nabili ha ha ha!

     Ang gusto ko iparating sayo ay importante na pahalagahan natin ang piso kasi Piso "Yan", Hindi piso "Lang" yan. nagegets? :D It's an essential to think na bago ka mag labas ng pera is pag isipan muna ng matagal mas lalo na sa mga bagay na hindi mo naman talaga kaylangan.Kapatid pag ginawa mo to tataas ang percentage mo para yumaman.

     Personally,malaki ang naitulong ng prinsipyo na 'to saakin for my Financial Goals kasi paano ka nga naman makakapag budget or makakapag-ipon kung hindi mo naman alam kung ano ang halaga ng "Piso".

       So I challenge you to use this principle to control your financial statement, "Don't let money control you" kasi DAPAT ikaw ang nag cocontrol.Baka gusto mo ng mga Testimonies? :D .Tingnan mo nalang lahat ng mayayaman sa buong mundo o kaya yung kilala mo na mayaman,Sa tingin mo ba hindi nila pinahalagahan ang pera nila? Syempre pinahalagahan kasi wala sila sa sitwasyon na yun kung hindi nila alam kung ano ang kayang gawin ng "Piso"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I challenge you to Invest in your mind and Take actions! Bring out your ability to produce wealth and be who you want to "Be"

Also remember that...

           "You are Born for
                         Greatness"





Facebook Page:(Click Here)
Instagram:
(Click Here)
Twitter:
(Click Here)



     

No comments:

Post a Comment