Friday, April 22, 2016

Do you have Money Problems?


     Have you ever thought na sa dami-daming pwede natin maging problema bakit PERA pa?!

     Natanong mo din ba ito sa sarili mo?...na bakit hanggang ngayon marami parin ang mahihirap na pilipino?
Kagagawan ba 'to ng Gobyerno?,Kasalanan ba to ng mga Mayayaman?.


     You know,we should pay attention and discuss this topic more often.Kasi sa panahon ngayon sino ba naman ang mag-tutulungan kundi tayo-tayo lang,Back to our topic,Ano nga ba talaga ang rason kung bakit mahihirap ang mga pinoy?

     It's hard to believe pero TAYO din ang dahilan tayo ang may kagagawan, kung ano man ang sitwasyon natin ngayon dahil yun sa mga decisions and actions na ginawa natin.So basically hindi talaga kasalanan ng gobyerno kung bakit may mahirap at hindi rin kasalanan ng mga mayayaman kung bakit maraming mahihirap.

     "Ha? Tayo? Bakit naman tayo ang problema,Charles?".Let me explain,Hindi naman talaga tayo ang problema,pero nasa atin ang problema it is because of our thinking or sa madaling salita dahil yun sa ating "Mindset".

     Parang math,Positive+Positive=Positive,Negative+Negative=Negative.So meaning,Kung p
ositive ang ating mindset at positive ang ating actions,syempre positive din ang magiging result.Ganun din pag negative,Pag negative ang mindset at negative din ang actions,syempre negative din ang results, and ayaw natin mangyari yun.

     So bago natin idiscuss kung paano yumaman,syempre kaylangan natin muna alamin kung bakit nga ba hindi tayo mayaman.

Here are some reasons why some people aren't rich...


1.Lack of Knowledge-

     I strongly believe,na ang dahilan kung bakit marami ang may problema sa pera ay hindi dahil sa pera kundi sa kung papaano hinandle ang pera.Pansin mo?Marami naman pilipino ang kumikita ng malaki either sa work or sa negosyo ,pero bakit hirapan parin sila sa pera?

     Simply because maunti ang Knowledge about Finance,So ano ang solusyon?.
Magbasa ng libro talking about finance on how to handle money,Watch videos,Search the net and look for information,Etc.There are so many ways kung paano mag gain ng knowledge,itong pag babasa ng blog post ko,malaking step yan to reach your financial goals.So I Strongly suggest to invest in your mind if you want to have financial abundance.

2.Lack of Actions-

     Obviously,hindi naman pwede na puro knowledge lang at hindi ka gagawa ng aksyon,kasi walang mangyayari.pansinin mo sa mga kaha ng sigarilyo may nakasulat naman na "Government Warning:Smoking is dangerous to your health" Pero bakit sobrang dami parin ang naninigarilyo? Eh,di ba knowledge naman tawag dun?.Ang rason kung bakit ganun ang nangyari ay dahil walang actions,Hindi willing mag take ng actions.Malamang walang mangyayari.
     

     So how can we relate that in everyone of us?,I believe na maraming tao ang "may alam" kung paano mag handle,pero iilan lang ang willing mag take ng actions.You must be willing to take actions,Use everything you've learned and put it in actions.And maybe ilan sainyo natatakot or napapa-isip,"Baka kung ano ang mangyari pag ginawa ko yun".Let me tell you this,There is nothing to be afraid of kasi pinag aralan mo naman,sayang naman kung hindi mo gagamitin.

3.???-

     Ngayon,Nag invest ka sa knowledge and nag take ka na din ng action,What's next?.Before that let me share you something my mentor told me and I need you to Imagine,papaganahin natin ang imagination mo.

     Obviously alam ko naman na alam mo ang itsura ng aircon,Ngayon yung aircon napatak ng tubig every 2 sec. and nagkataon na may medyo kalakihan na bato sa ilalim ng aircon and natataman ng patak ng tubig ang bato,Edi napapatakan ng tubig ang bato and after ilang years siguro mga 3-6 years na patuloy na pag-patak ng tubig sa bato,So eventually nagka-Crack yung bato.

    So anong lesson dun? Ang lesson dun kung gusto mo makatipid patayin mo naman yung aircon paminsan-minsan haha :) biro lang.Isa sa pwede mong mapulot na aral dun ay ang "Power of Consistency".And that brings up to number 3.Lack of Consistency.

    "Consistency is the key" ika nga.Ngayon na acquire mo na ang knowledge na kaylangan mo at patuloy ka nag gagain ng knowledge and nag decide ka na lagyan ng actions lahat ng natutunan mo,Lastly kaylangan mo nalang pag ulit-ulitin lahat,tulad ng patak ng tubig sa bato,hindi mabibiak ang bato kung tumigil siya sa pagpatak or hindi rin mabibiak ang bato kung hindi consistent na tatamaan ng patak ang bato.

     Lahat ng natutunan mo ngayon is not only for Financial purpose,Sobrang dami mo pwedeng i-apply ang mga natutunan mo ngayon,pwede sa Work-out, Hygiene, Practice,Etc.And I hope na iapply mo lahat ng natutunan mo dito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

     Thank you for reading my post and I hope marami kang natutunan.The next lesson will be "How to boost your Income" ngayon alam na natin kung ano ang reason kung bakit maraming mahirap,let's set that aside and let's make a change (Click Here) para mapapunta ka sa next lesson.

     This is Charles Alcantara,saying that...
                       "You are born for Greatness"


     

     

No comments:

Post a Comment